Blog bloggan!

...blog bloggan ng isang nagpapanggap na blogger, mga kwento at istorya ng isang taong walang mapagkwentuhan! Tungkol sa mga bagay na kung anu anu, mga bagay na napapansin pag walang mapansin...

Pano nga ba?

Minsan naiisip ko pano ba nabubuo ang sarili natin (natural alam na ni mama at papa un). What i mean is ung personality natin. Ung ugali natin. How do we react in certain issues and situation. Gang nang sa isang meeting cnabi ng boss ko na...


0 - 8 years old naprogram na ang 50% ng ugali mo - eh sa panahon na yun di naman ikaw ang nagdedecide para sa sarili mo at kung anu man ang maging ikaw sa mga panahon na yon at di ikaw ang gumusto dahil nagrereact ka lang base kung anu ang ginawa ng mga tao sa paligid mo. Parang sobrang lugi na kalahati na pala ng buhay mo ang naprogram habang ang nasaisip mo palang ay matulog maglaro at kumain.

When you reach 8 - 18 years old madagdagan na naman xa ng 30 % . At natural dun sa mga panahon na un di pa din ikaw ang maxadong nagdedecide sa sarili mo. Lugi na naman... At finally after 18 years old dun ka palang ikaw na ang finally pwedeng magdecide sa sarili mo. Everytime na maiisip ko un...Naiisip ko lang na lugi tlga ...Pero may option na man na reformat...siguro kung sablay tlga ang pagka program ng ugali pwede na reformat dun. Mahirap pero kung dahil naman sa mag reformat na un... Magiging stable na at bugless ang program ng iyong pagkatao mas ok diba.


Kaya kung mejo sablay man ako sa ibang banda..Sorry naman dont worry tinatry ko naman ifix ang mga bugs eh....

Ang aking peysbuk



Mga Napadaan!