Blog bloggan!

...blog bloggan ng isang nagpapanggap na blogger, mga kwento at istorya ng isang taong walang mapagkwentuhan! Tungkol sa mga bagay na kung anu anu, mga bagay na napapansin pag walang mapansin...

MRT drama

While riding at mrt you can see live drama


1st Scene

Monch : Arayyyyyyy (habang namimilipit sa sakit na parang gusto umupo sa sahig, di nga lang magawa dahil sa sikip sa MRT).
Salarin: Sorry sabay hug kay Monch( na halos mangiyak ngiyak padin sa sakit).

Moral Lesson : Wag mag flip flops pag sasakay sa MRT lalo na kung rush hour...

2nd Scene

Cast
Mis A (palabas ng train)
Mis B (nasa harap ng pinto ng train)
Monch (papasok ng train)


Mis A: Wait lang may lalabas pa, wait lang may lalabas pa.
Monch: Anu bang babae (Mis B) to sinabi ng may lalabas pa eh, pasok ng pasok - sa isip lamang.

biglang nagpasukan na ang lahat, habang nasa loob na si Monch tsaka nalang nya nalaman na dipa pala nakakalabas si Mis A dahil natulak na xa ng mga papasok.

Mis A: Sandali lang may lalabas pahhh(kalmado pa), Sabing sandali lang may lalabas pa eh (paiyak na), SAndali lang may lalabas pa ngaaaaaaaaaaaaaaa.

Pasara na ang pinto ng train


Mis A: May lalabas paaaaaaaaaaaaaa (umiiyak).


...Ng makalabas sa train.

Mis A: Grabe ka kasing ate ka eh!!!!!!!!! (sabay turo kay Mis B na deadma lang)

Moral Lesson: Wag magpapahuli sa pag labas sa mrt kung gusto mo makalabas sa tamang station.




I'm back

Check blogger test.

trenta

"Mag-asawa kana at matanda kana" - yan ang palagi ko naririnig sa mga kapitbahay, kaibigan at mismong sa pamilya ko. Nakaka stress diba. Diko tuloy maiwasan isipin kung gano ang pangaral, galit, palo at gulpi na tinggap ko dati para lang iparating sakin na wag mag-asawa ng maaga. Mantalang ngayon ay kulang nalang eh mamikot para makapg asawa ( haist ang mundo nga naman, walang paglagyan).


Ayun na nga 30 na pala ako kahapon, bakit ganon..parang bago palang ako natutuwa sa buhay ko ahahah...bago palang ako nasisiyahan pero diko maiwasan isipin na kailangan ko na nga ata tlga mag aswa at gumawa ng sariling pamilya.

@30 diko maiwasan isipin ano nga ba ang mga nagyari, nagawa ko na sa aking buhay sa nakalipas na trenta taon. Mga karanasan, pangyayari... wala ata ako maisip or maalala man lang patunay ba un na di naman tlga naging makabuluhan ang buhay ko ahhahah.. Sama naman, or tlgang malilimutin lang ako... or wala lang tlga espesyal.

While approaching to my 30th bday diko maiwasan magisip ng kung ano ano, like gusto ko maghanda ng marami. Kasi nakikita na usual na pag 30 usually naghahanda sila ng engrande. At dahil ingitera ako dapat ako din ahahahah. Pero since before magbday month ko 3 months ako walang work so goodbye na sa engrandeng bday ko. So natanggap ko naman ng maaga na imposible tlga sakin maghanda ng marami. Kaya katulad ng mga naunang bday lilipas din un (ahahaha).

...di tuloy mawala sa isip ko ung nbasa ko sa isang blog... Na before mag 30 ung author gumawa a ng list ng mga bagay na di pa nya nagagawa at kailanga magawa nya ung before dumating ang ika 30th bday nya...Wow nakakainspire un, ako din kaya. Eh ano nga ang pwede kong gawin na di involve ang money since wala ako nun sa ngayon bigla ko naisip na parang imposible wag na nga lang ahaahah...

So un nga nung 29 palang naisip ko na ang pwede kong gawin na version ng " to do something before 30" is to visit 30 different churches while I'm 30 diba may 1 year pako to accomplish. Pano ko pa gagawin un eh kahapon nga di ako nakapunta church naturingan bday ko. Tanging nagawa ko lang eh matulog (haist buhay ng 30).

I know maybe or pwede diko tla magawa dahil diko naman maxado hawak oras ko. pero still gudto ko try.. so sana mgawa ko tlga... From this time on kailangan ko maka 30 na church regarless kung napuntahan ko na dati. So post ko nalang ang pics pag may napuntahan na ko.

me @ 30

...anyway i want to grab this moment nadin siguro na magpasalamat sa mga taong na nag abala sa gawin special ang bday ko.. Kahit di natuloy ang party ko sa Shang...



Kay Mark J - Salamat sa pagkunsinte kay lorie, at buti nakasama ka na sa friends namin na sabi mo nga at may sariling mundo.

Kay ate sheila at Julius - Salamat at nakalagkad kayo sa bday ko kahit di libre ahahhaha..

Kay lorie - thank you sa walang sawang pag plano ng mga surprises sa mga taong mahalaga sayo, mula ng makilala kita lagi na ko ng eexpect ng surprise ahahahah...Salamat sa pagkakaibigan salamat sa mga cold treatment mo minsan na diko alam kung bakit through daw natututo akong magpakumbaba (natuto ba), salamat basta sa lahat...


Kay Jan-dean - OO ikaw salamat, salamat sa lahat..alam mo na un... ahahah salamat dahil with you lahat pwede ko sabihin at dimo ko kinakampihan kahit ako ang api. ahahahah, salamat tlga... Salamat atleast there's some one na di nako mahihiya sabihin lahat...ahahah, salamat for keeping my feet on the ground (ahahaha malay mo lumilipad na minsan), salamat at dika naalangan pagalitan ako. Salamat basta hahaba pa eh

Kay Aldin - hey my driking buddy(sikret lang un) ahahah kaya nga naka post eh. salamat sa lahat, sa pagtsaga sa mga kadaldalan ko at a mga kwento kong paulit ulit. Salamat sa mga kwnto mo din paulit ulit...



Kay Dugal - Salamat dahil sayo nagiging mejo mabait ako dahil may reklamador ka sakin ahahah.. Salamat sa ngiting 30 ahahah..salamat sa kakulitan mo na minsan eh di naman kailangan ahahah pero libre mo padin binibigay.. ahahah salamat..

Ang photo na di nawawala pag magkakasama


...salamat sa lahat, salamat sa pagintindi, sa katarayan ko, kaingayan, ka kuriputan ( di naman kuripot, kailangan lang tlga, ahahah nag justify pa).

...salamat sa lahat ng nakaalala, kahit sa anu pang paraan, sa mga nagpost sa fb, sa nag message sa fb, sa nagtext, na nakaalala pero walang kapasidad na bumati, salamat sa lahat

..salamat sa aking complicated but masayang mapilya. salamat sa pagbibigay ng inspirasyon, at pagtuturo sakin na maging responsable.

...at xempre maybe last but not the least sayo aking mahal na si Eboy - Salamat kahit iniisip ko na kasama ka namin sa Mega at wala ka, anyway salamat padin salamat sa dahil dika napapagod at nasasawa sa pagintindi sakin, pagintay kung kailan ako magmamature, sa pagbigay ng mga gusto ko kahit madalas ay imposible...salamat sa pagtitiis sa mga walang basehan kong galit sabi mo - pero xempre para sakin basihan un... salamat hon...

..salamat sa ating panginoon, sa walang sawang blessing at graces...lalong lalo na sa mga blessing na on time (tipong just in time) ...salamat po..

Me, Graveyard shift (oh no) !!!

Kdci HR: Aware ka naman na GY shift ka diba? 11pm to 8am?
Me: Syet GY, naloko na, ayoko po (in my mind) pero and totoong nasabi ko lang. Ah ok po.

Diko malaman bakit maxado akong kinkabahan na GY ang shift ko, i have this feeling na ma iisolate ako sa aking normal na mundo. Ng malaman ko na GY ako dami ko naisip tipong, baka antukin ako, pano nalang pag may gala ng gabi, kailangan ko bang mag breakfast bago matulog since iyon daw ung pinakamahalagan meal for the day, or kailangan ko bang kumain sa dinner para busog bago pumasok, hahay napakababaw na ma tanung ang nagpapahirap sakin at naisip ko din for the mintime subukan na muna pag di kaya di maghanap nalang ulit ng work (syet napakahirap kaya maghanap ng work). Kaya aun sige SIGN na ng contract bahala na si Batman( si batman na naman ang bahala sa decision na ginawa ko, kawawang batman kaya di maayos ang movie nya dahil maxado madami gingawa eh).

...halos lahat ng kaibigan, pamilya sinabihan ko ng night shift ako at nahihirapan ako ung tipong naghihintay ba ko ng taong magsasabi na wag mo na ituloy kung ayaw mo tlga at nahihirapan ka(hahaha sadly wala naman nagsabi, malamang 3 months na kaya akong walang work at gang leeg na utang ko ahahah kaya aun lahat sila ok na dun atleast my work ako, ako kinuconvince parin ang sarili).

..anyway aun na nga pang 5 nights ko ng pumapasok ngayon. And it's friday night huhuhu, Napakahirap sa taong tulad ko na mahileg mag happy happy at lalong lalo na sa metrowalk pa ang way ko papuntang office. Syet ang liwanag at ang ingay ng metro walk ngayon biyernes..., halos lahat sila papuntang metro walk mantalang ako isa sa libo libong papasok sa trabaho... habang silay nalalasing sa alak ako nalalasing sa puyat lang ahahaha..

Metrowalk
Hallway to elevator at night 11pm

Solo Flight sa elevator



..minsan diko maiwasan kung eto na ba ang pinangako ni panginoon sakin, kungeto man un sana lang makayanan ko tlga.. pag hindi sana pakibilisan,,,eheheh malay mo diba may iba pala...

...sorry naman kung OA ako, na parang katapusan na ng mundo..eh ganon eh...wala eh...


Resignation....

Sa halos 7 taon ko na magtatrabaho. Sa halos 5 na kumpanyang pinasukan. Sa di na mabilang na nakilala at sa mga naging kaibigan. I can say that this is my first resignation . Perhaps because i resigned not just because i want to but i need to. Sabi nga nila for better opportunity (I hope). While time passes by at papalapit na last day ko sa office i don't know kung ano nararamdaman ko mixed emotions ika nga. Nalulungkot at mejo excited. I remember kung pano ko nagsabi sa HR Manager namin. Dinaig ko pa si Judy anne Santos sa tindi ng iyak ko. The same with my PM at sa COO namin.


Nakakalungkot pala talaga mag resign noh. Since last day ko na ngayon. Bigla ko naisip ang last day of work ay parang graduation lang. Ung mga team mates mo na parang class mate lang. At ung mga mababait na superior na ika nga sa School at ang usual na favorite mong teacher. At sa iba pag mejo malas malas sa boss eh  un na un terror mong prof. Haist Buhay. 

Ang bilis isipin na in every ending there's a new beginning. Sa mga nagsasarang bintana ay may magbubukas na pinto. At sa mga magagandan oportunidad ay mas magandang oportunidad. Sana nga ganun lang kasimple. Na un mga taong mas madalas mo pang kasama kesa sa Pamilya, BF or Gf mo eh. Eh bukas di mo na makikita ng ganun kadalas... At ung mga taong alam na tatawa sa corny mong jokes eh bihira mo na makikita kung malas malas pa ay baka hindi na. Ung mga taong sandali mo pa lang nakilala eh parang ayaw mo ng iwan. Ung mga taong minsan mas gusto mo pa kasama sa bf or gf mo. 

Sabagay ganun tlga... Wala ka na magagawa lalo na kung napasa mo na at resignation letter mo. Kung baga sa chess nga TOUCH MOVE wala ng bawian. Siguro the best we can do nalang. Eh ung mga lessons learned ay wag kalimutan. Ung mga taong nagpahalaga sa ginawa mo at sayo bilang officemate, employee, kaasaran, kainuman, katawan, kasama sa katakawa at minsan kagalitan at wag kalimutan. Bagay di naman talaga nakakalimutan. Sabi nga nga nila kung ang isip ay nakakalimut eh ang puso eh hindi (ano daw? ano connect). 

Kaya aun lang.. Salamat sa 9dotstrategies ang sa mga taong bahagi nyan na naiwan at mga taong naging bahagi ng 9dot na unang nangiwan. Nakaganti nako sa iba (wahahahahaha). Salamat sa napakaraming bagay kong natutunan. At mga taong naging kaibigan. Nadagdag nyo napo ang listahan ng mga taong kakilala ko at kaibigan. Salamat.... Keep Growing 9dotstrategies.









Ang aking peysbuk



Mga Napadaan!