Blog bloggan!

...blog bloggan ng isang nagpapanggap na blogger, mga kwento at istorya ng isang taong walang mapagkwentuhan! Tungkol sa mga bagay na kung anu anu, mga bagay na napapansin pag walang mapansin...

Sino ako!!!

Sino ako? - Ang katagang na tuwing naririnig ko eh diko maiwasan na maalala ang values subject ko nung highschool... Sino nga ba ako ? - eto ako ay isang tao na walang magawa sa mga oras na ito kaya naisipan kong gumawa ng blog. Matagal ko na naman gusto gumawa ng blog dahil nga napaka sobra kong malilimutin, kaya nga sana, gusto ko pag may gusto ko ikwento ay isusulat ko lamang at akin ipapabasa na lamang. Subalit nahihirapan ako mag magsulat sa kadahilanan napakahaba nga ng akin naiisulat na parang novela na ang kinalalabasan at hindi basta blog. Kaya hayun diko na itinutuloy...Pero eto iiksian ko lamang.. Aun nga, ako nga po pala ay si Mhonzhell Gregorio(Moncel Gregorio, ayaw gamitin ang tamang ispeling ng pangalan)Bente siyete taong gulang po, tubong Pililla Rizal at Sta. Cruz Laguna. 

 

Ang aking peysbuk



Mga Napadaan!