Mr. Anilag - it is a Beauty Pageants for Men held during Anilag Festival in Sta. Cruz Laguna.
Anilag - Ani ng Laguna
Kung tinatanung nyo bakit ko dinefine ung Mr. Anilag at Anilag wala lang baka kasi tanung nyo pa di sinagot ko na bago pa lang nyo tanung. Nanuod kasi ako ng Mr. Anilag hindi dahil sa gusto ko makakita ng gwapo dahil sa totoo lang karamihan naman ng sumasali sa ganun ay di naman talaga gwapo malakas lang tlga ang tiwala sa sarili which is a good factor naman diba. Ayun kaya nga ako nanuod nun kasi nga kasali ung pamangkin ko (biruin mo un may pamangkin na ko ganun katanda, tanda ko na talaga). Supposed to be kasi celebration ng birthday ni mommy un kasi bday nya so dahil proud lola xa the day before her bday cnelebrate nya na ung bday nya too bad for me kasi di ako pwede nun dahil may lakad ako ng saturday pupunta ako sa wedding expo (hindi pa po ako pasasakal cnamahan lang namin ni eline c lulu na xang ikakasal). so ayun nga di hindi na naman ako kasali sa celebration (huhuhu). 10 pm na ata ako nakauwi ng laguna nun kasi 3pm na kami nakapunta sa wedding expo (at ang masasabi ko lang masarap pakasal pang maraming pera at xempre mahal mo ung pakakasalan para di sakalan ang maganap), dahil 10 pm na nga nasa Mr. Anilag na nga cla mommy kaya nga humbol naman ako.
Ok naman sarap ng feeling manuod ng Mr. Anilag lalo na pamangkin mo kasali (hahaha proud tita din pala) Pero wala ng sasarap at sasaya ang feeling higit sa mga bading na naglipana dun bakit kamo xempre naman may swim wear competition din kaya di naturalesa naka swimming trunks ang mga contestant kaya aun mabibingi ka sa sigaw ng mga bading.
So aun nga everytime na nephew ko ang rarampa todo sigaw at pag tinatanung ng mga katabi pamangkin ko po. So aun na hindi naman xa tlgang formal na question and answer portion parang ganun lang. Eto nga ang tanung sa pamangkin ko.
Host: Sino ang inspirasyon mo sa pagsali sa contest na ito?
My nephew: Mga friends po kasi po dahil di nyo po naitatanong down po ako sa family ko(.
Host: Bakit naman?
My nephew: Mula bata pa lang ako eh broken family na ako.
Ayun kaming mga proud family ko nuh eh parang biglang nangliit. Tama naman xa at wala kami magagawa dun. At naiintindihan namin xa pero diko malaman pero gusto ko isigaw sa kanya..
Huwaat bakit ikaw lang ba ang broken family sa buong mundo, sa buong pilipinas, sa buong luzon, sa buong laguna, sa buong sta cruz.
Buti nga ikaw broken family lang eh. Eh ako nga diko kilala tatay ko eh.
Ang akin lang naman mas marami pang tao na mas grabe ang pinagdadaanan sayo kaya wag mong isipin un bagay na wala sayo dahil i'm sure maraming meron ka na wala ang iba.
be proud kung anu ka at meron ka.
Ako maraming wala ako at dumarating din sa panahon na naiisip ko kung anu un pero maisip ko lang kung anu ang meron ako ok na din.
Given a chance na papiliin kung sino ang magiging pamilya ko, dito pa din ako.
Hindi perpekto at mahirap at mahabang kwento kung anung pamilya meron ako, may makakaintindi meron din hindi. Basta ako proud ako sa family ko at mahal na mahal ko sila. Kaya kami ganito ngayon ay dahil un sa mga hirap na pinag daanan nila. Kaya kahit ano at kahit mali pa ang ginawa nila nuon proud pa din ako. Mahal ko pa din sila.
loveyou lola...
loveyou mommy...
loveyou mama...
loveyou papa...
loveyou mga kapatid ko...
loveyou mga pinsan ko...
loveyou mga tito at tita ko...
loveyou mga pamangkin...
mr. anilag
Posted by
mhonzhelle