Blog bloggan!

...blog bloggan ng isang nagpapanggap na blogger, mga kwento at istorya ng isang taong walang mapagkwentuhan! Tungkol sa mga bagay na kung anu anu, mga bagay na napapansin pag walang mapansin...

reunion...

Dekada na ata ang lumilipas mula ng una akong maka attend ng wedingco's family reunion. At ang natatandaan ko pa nun eh. Sumayaw kami ng barbie girl...Akalain mo barbie girl di napakatagal na nga nun...Bigla ko tuloy naisip i'm getting older and older pero ganun pa din ako.

Last year pa plinano ang reunion na eto, kasi nga dapat nung december to gaganapin kaso naman may unexpected visitors naman tayo na maxado ginambala ang karamihan na pilipino..(expected nga pala unexpected nga lang ung iniwan nyang bakas) un nga ay c ondoy at c pepe...

Sa mga taong di nakakaalam c ondoy nga pla ang bagyong nagbigay ng napakalaking pinsala sa pilipinas lalong lalo na sa luzon bahagi. Dito ko naranasan lumangoy sa dagat ng basura este sa dagat pala ng grasa... Dahil sa uliran empleyado ako pinilit ko tumawid sa rumaragasang grasa sa cainta rizal.

At c pepe naman ay ang ingiterong kamaganak ata ni ondoy at di nagpadaign at naminsala din.

Enough sa mga bwusitang iyon. Last pa nga nung plinano ang reunion kaya alam na tlga namin na may reunion, kaso lang kala namin natuloy sila ng december at di lang kami nakapunta. Hanggang sinabi nga ni mommy na di daw natuloy at ngayon april daw nga...
Dahil nga sa wala naman ako maxado pinagkakaabalahan. Wala ako paki kung anung date man ung matapat as long as na weekend (natural nagttrabaho ako, di naman ako estudyante para magkaroon ng bakasyon).

So un nga yon, Hanggan isang araw na at nabanggit nga sakin ni JD ung swr daw sa tagaytay (retreat ng sfc). Pagsabi palang ni JD cnabi ko na sama ako dun. At un nga ng magkasama sama kami nila cnabi din nila ung sa retreat at cnabi ko nga na sasama.
Dahil sa excited ako pag uwi ko sa rizal cnabi ko na agad kanila mama ung about sa retreat kahit 1 month pa bago ung retreat at dun ko nga napag alaman na same sa date ng family reunion namin :( , Dahil sa di pa naman confimed un sa family reunion patuloy pa din ako naasa na makakasama ako sa SWR.

...hanggang nga sa kailan na i confirmed ung sasama sa swr at kailan na magpalista, but when i was about to text my mom kasi nga tatanungin ko kung tuloy ung reunion, eh nauna na xa nagtext at sakin at sinabi na 23 ng gabi eh dapat umuwi na ko laguna at gray ung damit na ung kailangan namin suotin at un nga napagtanto ko na nga na di na ako makakasama sa SWR.

Family Reunion...

At eto na nga ang pinakakahintay ng wedingco family. Since 8am to 5pm nga ang reunion. Ibig sabihin kailangan gumising ng maaga at mag aayos ng mga dadalin na pagkain (oo wala po kami pa cater, potluck po kami..) Pero ang lagi ko tlga kinaiinisan pag weekend. Lagi nalang ako napakaaga gumising pag walang pasok. OO ngat kailangan ko gumising ng maaga pero ang magising ka ng 6:30 at ang mga gising palang ang seniors ng pamilya eh nakakainis tlga...Kung kailan walang pasok tsaka maaga gumising pag may pasok di magising. Hay... (hay baliktad tlga utak ko).

Si pumunta na kami sa reunion, ayun ok naman natural madami tao, at di namin kilala..hahaha... At xempre and tunay na masaya at excited ay aking mga tita at mommy at mama hehe...Xempre makikita nila ang kanilang mga pinsan na dekaada na ata nila nakikita...Kaya pag punta dun natutural kanya kanya estasyon ang aming mga ninuno :)

...dito ko lang nalaman na ang dami pala nila lolo, 12 silang magkakapatid at silang lahat ay kapiling na n GOD...kakalungkot naman diko man lang nakilala si lolo...hay bagay di lang naman ako kaming lahat na first cousin ata eh di nakita si lolo, eh pano nga naman namin makikita eh 1972 pa ng siyay pumanaw. AT tuwing tinatanung namin sila mommy bakit maagang namatay at malimit nilang sagot at ganun daw tlga pag mababait...Dahil napakabait daw ng akin lolo...

...ung reunion namin ok naman, sayang nga lang at di kami nananalo sa games na pahabaan ba un ng dalang gamit sa katawan. Pano ba naman kami mananalo eh postponed kasi daw eh kumukuha ng gamit sa mga di kasali...Kung tinuloy un tlga naman kami dapat ang panalo( hahaha masama tlga loob eh ). Pano naman diko masasabi na kami dapat panalo eh 7 kami, 4 samin male at xempre naka belt, sneakers...hay enough with that dapat tlga panalo kami...hahaha...

...ok naman tlga ang reunion, dahil kahit pano nalalaman mo buukod pala sa mga kakilala mo eh napadami mo pa pala kamaganak...Na minsan eh kilala mo tlga pero di mo alam na kamaganak mo pala xa.

...dahil nga sa nasayahan ata sila..napag kasunduan na yearly na dw ang reunion...sana nga totoo...

...cge till next reunion ulit...

Ang aking peysbuk



Mga Napadaan!