Blog bloggan!

...blog bloggan ng isang nagpapanggap na blogger, mga kwento at istorya ng isang taong walang mapagkwentuhan! Tungkol sa mga bagay na kung anu anu, mga bagay na napapansin pag walang mapansin...

Calinawan Cave

Since my younger age ( i'm not saying i'm old na ha...hahaha) i am a stalagmite and stactite fan. I always wanted to see the real one with my own eyes. So going to the cave is on my bucket list. I know Calinawan Cave doesn't have that beautiful stalagmite and stalactite like sagada cave have  but calinawan cave have its own beauty and it is a good start to my more stactite and stalagmite encounter...

Calinawan Cave Entrance

Where : Calinawan Cave - Tanay Rizal

How to get there: 

To get to Calinawan cave, either you bring your own car and a guide or from EDSA starmall, you can found Tanay bound van (GT Express)  the fare (Php 70). This is terminal to terminal ride. You can rent a jeepney, trike (mini jeep) or tricycle from the terminal. Fee in depends on the length of stay on the cave or kung gano ka kagaling tumawad.

Fee:

P20 - entrance for calinawan cave.
Any amount to the local guides.



Note. Bring headlamp or flashlight because some parts of the cave is really dark. 

History:

Calinawan Cave got its name from the word "linaw" a Tagalog term for clear. It is said that during the 15th-18th century, opposing parties used to convene inside the cave to settle disputes - thus the name Calinawan came about.

This cave also served as a shelter and a hideaway from the Japanese during World War II. It was also in this cave that the Japanese sodiers surrendered to the Liberation Forces.

Regina Rica - Tanay Rizal

Queen of the Holy Rosary 


Queen of the Holy Rosary
Look at baby jesus he's inviting us...

Where: Regina Rica - Sitio Aguho, Bo. Sampaloc, Tanay Rizal
A Prayer place, Ecological Sanctuary and a Wellness environment.


Why you should go:

1.The warm welcome at the entrance gate by the two iconic Dominican figures. St. Catherine of Sienna and St. Dominic in giant statues.
2. Another holyweek destination.
3. You would see 7 storey (71 - foot) statue of the Queen of Holy Rosary on top of a hill surrounded by beautiful nature.
4. Best location for praying, retreat and reflection because the place is so serene and inspiring.

No fees for the entrance but you can give donations in any amount.

How to get there:

From EDSA starmall, you can found Tanay bound van (GT Express)  the fare (Php 70). This is terminal to terminal ride. At the Tanay Terminal (market). You can found Sampaloc bound jeep (no idea for the fare since we rent a jeep to regina rica).

Note. Dress Appropriately. No mini skirts, skimpy clothes, no caps.

Daranak Falls and Batlag Falls - Tanay Rizal

Daranak Falls
Batlag Falls


Where: Daranak Falls & Batlag Falls - Tanay Rizal

How to get there:

From EDSA Starmall there is a Tanay bound, van's terminal (GT Express Van). This is terminal to terminal ride. At Tanay market you can choose to ride between jeep or tricycle or rent a jeep for the whole day. Since there is no public transportation straight to daranak falls.

Batlag falls is located near on the top part of Daranak falls. You need to pay separate entrance to batlag falls.

Daranak Falls is open from 8am-5pm..7 days a week..no overnights


Fees:

Adult-20
Children-15
Picnic Table/Shed -100


while Batlag falls is offering overnights


Fees:

Adult-50
Children-25

for overnight
Adult-150
Children-75

Picnic Shed-350
Cottage-250



..enjoy happy gala.

Pano nga ba?

Minsan naiisip ko pano ba nabubuo ang sarili natin (natural alam na ni mama at papa un). What i mean is ung personality natin. Ung ugali natin. How do we react in certain issues and situation. Gang nang sa isang meeting cnabi ng boss ko na...


0 - 8 years old naprogram na ang 50% ng ugali mo - eh sa panahon na yun di naman ikaw ang nagdedecide para sa sarili mo at kung anu man ang maging ikaw sa mga panahon na yon at di ikaw ang gumusto dahil nagrereact ka lang base kung anu ang ginawa ng mga tao sa paligid mo. Parang sobrang lugi na kalahati na pala ng buhay mo ang naprogram habang ang nasaisip mo palang ay matulog maglaro at kumain.

When you reach 8 - 18 years old madagdagan na naman xa ng 30 % . At natural dun sa mga panahon na un di pa din ikaw ang maxadong nagdedecide sa sarili mo. Lugi na naman... At finally after 18 years old dun ka palang ikaw na ang finally pwedeng magdecide sa sarili mo. Everytime na maiisip ko un...Naiisip ko lang na lugi tlga ...Pero may option na man na reformat...siguro kung sablay tlga ang pagka program ng ugali pwede na reformat dun. Mahirap pero kung dahil naman sa mag reformat na un... Magiging stable na at bugless ang program ng iyong pagkatao mas ok diba.


Kaya kung mejo sablay man ako sa ibang banda..Sorry naman dont worry tinatry ko naman ifix ang mga bugs eh....

..at nawala

Diko magets at kung anung meron ba kahapon at napadaming nawala sakin..Nwalan ng wallet ..pera at pati necklace...Hay buhay... Kakatamad mag asikaso ng mga bagay bagay.. Kukuha ng bagong ids atm ..at kung ano ano pa...Hayaan mo na nga xa...Kakalungkot lang kasi pinaghirapan ko un pera...Pinaghirapan ni papa pambili nung necklace... Pero sabi nga nila...Kung may nawala may kapalit... Malamang may babalik nga ...Kasi xempre ssusweldo ulit di may pera na... Magpapa gawa ng mga bagong id at atm eh di bumalik na...ahahha..Ung kwintas diko lang alam kung babalik...ahahhah


Napadaan lang

Wala ako masulat nitong nakaraan araw at tulad ngayon wala pa din. kaya enjoy nalang natin lahat ang ating long weekend . Quality time with our loveones...

Enjoy.

Why S not C

I'm one of those person who is asking why President Benigno Aquino III is using 'S' as his middle initial rather than using 'C' (Cojuangco). So i searched why is he using 'S' instead of 'C'. I found out S stand for  Simeon and part of President Noynoy 's given names Benigno Simeon also given names of his father and grand father and both uses 'S as their middle initial. He uses 'S' instead of 'C' because he is following the tradition. Although the practice is to use mother's maiden name.

BATTERY DRAIN!

...Shit nalimutan ko ang charger ko sa office! Pano nangyari un! (natural eh di naiwan), Nakakabwusit dahil lowbat na ko at any moment ay mashushutdown na ang CP ko (anu naman bago, lagi naman lowbat tung CP na to di maasahan!

...Heto na heto na!!!!!!!!!!! Wah patay na ang cell ko, buti nalang natext ko na si Eboy na naiwan ko charger ko at ma ddrain na battery.

...Paguwi ko sa bahay, ibaba ang iyong kilay ayoko ng ingay di pa ri nmatanggap na naiwan si charger. Sinabog ang laman ng bag! Wala. Naisip hanapin ang usb adaptor at mag internet nalang para lang makapag charge pero wala din c adaptor (ke malas). Pabalik balik sa damitan sa lagayan ng kung anu anung charger. Di talaga tumigil at chinarge ang mga sirang CP baka umandar at mailipat nalang ang sim pero wala padin (haist isang bigo).


...Hanap hanap parin ng hanap..paulit ulit lang sa pinaghahanapan! Di talga matanggap na drain ang battery.

...Hay nalatulog nalang nga para magising agad at makapasok ng maaga ng makapag charge agad!





9 Rules in Riding MRT

Hay naku! 7: 15 am na. puno na ang MRT Malamang sa malamang, pero no choice ako because this is my fastest way to office! Dahil wala naman ako car pero malamang kahit may car mag MRT din ako dahil mas mabilis pa din. Buti nalang wala ko car kasi sayang lang (sayang daw Oh!)

Naisip ko tuloy ung nabuong rules ng officemate ko pag sasakay ka MRT (male version).

9 Rules in Ridng MRT by Yoh

1. Di mo dapat aim na basta makasakay sa MRT, dapat aim mo kung pano ka pupwesto sa harapan ng pinto.
2. Once you gain your position at the front train door, defend your position.
3. Pagbukas na pagbukas ng pinto, ihagis mo ang iyong katawan sa loob sapagkat ang mga nasa loob na nilalang ay hinahadlangan kang makapasok.
4. Once na nakapasok ka na maiintindihan mo na kung bakit ayaw ka pasukin sa number 3. Dahil jan hindi mo rin hahayaan makapasok ang ibang nasa labas pa kasi sisikip lalo.
5. Kapag nasa loob kana wag na wag kang mag sstay sa bungad ng pinto dahil as you can see at number 3 ang ibang nilalang sa labas ay ihahagis ang kanilang sarili para makapasok at tatama silasa inyong mukha.
6. Hahanapin mo ang pinaka maginhawang position sa loob para makuha mo ito kailangang mong gamitin ang iyong bigat at siko para itulak ang iyong mga katabi at makuha ang maluwag na pwesto sa gitna ng train. (ang piankamagandan pwestong para sa napakagandang lalaki na tulad ko ay pagharap mo sa iyong kaliwa ang maamoy ay makabilang pisngi ng boobs at ang iyong siko naman sa kanan ay nakatusok sa bandang baba ng boobs sa katigiliran ng chicks.)
7. Kailangan mong maging alerto para bantayan ang istasyon kung san ka bababa. Ang susunud mong misyon ay nakadepende dito.
8. Isang istasyon bago dumating ang bababaan mong istasyon, kailangan mong ihampas ang iyong mga matutulis na siko para makalapit sa labasan or else ...
9. Pagdating na pagdating ng train sa istasyon siguraduhin mong nasa harapan kana ng pintuan at parang kamaganak mong salubungin ang mga papasok at ihampas ang matutulis mong siko sa kanila.


..yan po ang napakagandang rules ni Yoh...

The making of PnE Songs...

Masyado ako natutuwa pag nababasa ko talaga ang mga trivias ng PnE sa fanpage nila sa Fb. Lalo lalo ang istorya pano nila nasulat ung mga songs nila. So i decided to create my own collection of their trivias.


"‎One Hit Combo"


Nung una naming ginawa ni Gloc yung demo ng One Hit Combo, wala pa kaming title, wala pa kaming lyrics, at wala pa kaming concept.

...meron lang kami tono at tyempo.

Nagkita kami at nirecord namin sa phone ko yung demo...nakakatawa kasi wala kaming lyrics at idea kung saan pupunta yung kanta at kung ano ang sasabihin namin...basta kumanta at nag-rap kami na walang words at nirecord namin.

After namin magkita, umuwi na ko.

Makalipas ang ilang araw, tinext ko sa kanya yung nasulat kong chorus at yung simula ng 1st stanza...nagreply lang sya, "sige sir."

Kinabukasan, tinext nya sa akin yung lyrics nya para sa 2nd half ng 1st stanza...dun ko na-gets kung saan namin dadalin yung lyrics ng buong kanta.

...ang paglingon sa nakaraan at sa pinanggalingan, ang magbigay pugay sa Eheads at kay Sir Magalona, at sa lahat ng mga naunang mga banda na nagsilbilng insiprasyon sa amin, at ang magsilbing insiprasyon sa mga susunod sa amin.

...na ok lang tumaya, sumubok at magkamali...kasi ang pinakamalaking pagkakamali na pwede mong gawin ay ang hindi tumaya, at kung di mo subukan.

...na hindi dapat magmadali, kasi hindi 'to madali, pero kelangan kumilos at wag palampasin ang sandali...it's ok to move slowly, as long as you don't stop moving.

...and that you have to stay positive and give it everything you've got.

Makalipas ang ilang gabi ng pagpupuyat at pag-iisip at pagsusulat ng lyrics, at ilang gabi ng matinding textan, nabuo namin ni Gloc yung One Hit Combo.

Nagkita kami sa bahay ko nung Aug.3, 2010 para irecord yung kanta.



"San Man Patungo"


"Writer's block is a condition, primarily associated with writing as a profession, in which an author loses the ability to produce new work"

Minsan napagdadaanan ko din ito.

May mga panahon na kahit ano gawin ko, walang lumalabas na kanta.

Minsan kasi nakakalimutan ko kung bakit ako gumagawa ng kanta.

Minsan nakakalimutan ko na na dapat katuwaan lang ang pagbabanda...



Iba kasi yung pressure when everyone expects you to come up with a hit song...pero di mo talaga pwedeng pilitin yung sarili mo gumawa ng kantang hindi mo trip kasi parang niloloko mo lang yung sarili mo as an artist.

Kaya naman...pero corny na.

You have to come up with something that you honestly feel is beautiful...something that you would honestly enjoy listening to. 



Gumawa ako ng kanta tungkol sa difficulties sa pag-gawa ng kanta.

Labo no?

(coming up with a song about not being able to come up with one)

Actually, i have 2.

I'm very proud of these 2 songs kasi for me, sobrang honest ng mga kanta.

...it makes me feel that i am truly an artist, and at the same time, it reminds me that i'm not.

it reminds me that i'm just a goofball having fun.



Yung unang kanta, pinapa-alala ko sa sarili ko na magsulat para sa sarili...na wag masyado mag-isip, at wag kalimutan yung dahilan kung bakit ako nag susulat ng kanta.

Isang paalala sa sarili na di importante kung sikat kami o hindi, na wag intindihin kung ano ang naabot at kung saan aabot at kung kelan ititigil ang pagbabanda.
Basta enjoy lang.




-@chitomirandajr






"Original Song" 


The 2nd song talks about the difficulties of coming up with new songs, and the pressures of being a songwriter in a band where you don't want to compromise your artistic integrity but at the same time earn and make a living out of it...dahil ayoko maghanap ibang trabaho. Sobrang saya kasi para sa akin ang magbanda.

-@chitomirandajr




"Maniwala Ka Sana" at "Sayang"


Dati may kabarkada akong babae sa UP Diliman.
Pangalang nya "Michelle"
Hindi naman sya maganda...cute lang.
Anyway, tropa lang talaga kami at araw araw kaming magkasama...pero everyday na nakakasama ko sya,
parang napansin ko na dahan dahan akong nadedevelop...
Since kabarkada ko naman si Michelle, and since close talaga kami, kaya ko syang biruin at daanin sa mga pa-cute na hirit na may gusto ako kunyari sa kanya...
palagi ko syang tinutukso sa akin. Hehe!
Tatawa lang kami at ng mga kabarkada namin...
Di nila alam na may gusto pala talaga ako sa kanya.
Since parang joke lang palagi yung mga hirit ko, nahirapan akong aminin na siryoso ako...
I really wanted to tell her.
Pero ang hirap humanap ng timing.
...at sa isang torpeng katulad ko, NEVER dumadating ang tamang timing.
Hanggang nakita ko nalang si Michelle na may ka-holding hands mula sa kabilang section.
patay.
Para akong sinuntok sa dibdib.
Bakit wala akong ginawa?!
Na-isip ko "kelangan ko ipa-alam ang tunay kong nararamdaman"
I wrote her a letter. I told her everything...na matagal na akong may gusto sa kanya.
Napa-i love you ako ng di oras sa letter ko sa kanya.
Nilagay ko yung sulat sa bag nya.
Kina-usap ako ni Michelle after nya mabasa yung sulat ko. Tinanong nya ko kung siryoso ba talaga ako sa mga pinagsasabi ko sa letter.
Sabi ko oo.
Di sya naniniwala.
Kasi kung totoo daw yun, i would've done something about it.
Feeling nya tuloy ginagago ko lang sya at parang di nalang nya pinansin yung mga sinabi ko sa sulat.
Mula noon, hindi na kami tulad ng dati...
Lumipas na ang panahon at may asawa na si Michelle,
and we've remained good friends hanggang ngayon.
Pinagtatawanan nalang namin ngayon yung mga nangyari nung college pa kami.
At proud naman sya na may dalawa akong nagawang kanta para sa kanya.


-@chitomirandajr




"Alumni Homecoming"


Dati, pauwi kami mula sa isang out of town gig. Nagka-sentihan kami at nagkwento bigla si Dar tungkol sa kanyang hs crush sa La Salle Lipa.

Si Que Hon Tan (HAHAHA! Laglagan na 'to!)

Ang ganda ganda ng kwento nya pero ang lungkot ng love story nila...kaya ginawan ko ng kanta.


"Gising Na"


Unang lumabas yung "Gising Na" sa Xmas album namin na
"Jingle Balls Silent Night Holy Cow" (gitara at vocals lang...)
It was again released on our 4th album "Gulong itlog Gulong" na may kasama nang keyboards...(pero mastrip ko talaga yung orig version)
I wrote it for my 1st gf who was a med student nung time na yun.
Pero nung una, hindi talaga "Gising Na" yung kanta...
Being in med school, laging puyat yung gf ko kaka-aral, at awang-awa talaga ako sa kanya kasi sobrang kulang sya palagi sa tulog...
The 1st line i wrote was "tulog na...ipikit ang iyong mata, tulog na"
I liked how the song started, but i wasn't in love with it...
I stopped and went towards the opposite direction.
"gising na...buksan ang 'yong mga mata, gising na"
Natapos ko agad yung kanta and fell in love with it!
My favorite line was "nagsama ang ginaw, at ang lambing ng araw",
which was a familiar feeling para sakin tuwing simbang gabi kapag sumisikat na ang araw (remember, this song was written while we were writing songs for our Xmas album and i wanted to use that line sa kantang "Simbang Gabi" pero di ko masingit...so i included it in this one)
My 1st gf is a doctor now.
She's happily married and is currently based sa US.
Anyway, yun po yung kwento ng "Gising Na"
Sana natripan nyo... :)

-@chitomirandajr




"Sorry Na"


Dati, nag-away kami ng 1st gf ko (yung med student) tapos muntik na kami mag-break kasi minsan, kung anu-ano nasasabi ko kapag mainit ang ulo ko. :(

I thrive on my ability to express myself during the peak of my emotional outburts, but it does get me into trouble sometimes...

Sa sobrang guilty ko, napasulat ako bigla ng kanta para sa kanya...


-@chitomirandajr





 "Bagsakan"



Kakatapos lang namin irecord ni Sir Kiko yung yesyeshow para sa inuman sessions vol.1 nung bigla nya akong tinawagan a few days after.
sabi nya "Chits, gawa tayo kanta ni Aris!"
Nakilala ko na si Gloc9 before pero di pa kami tropa nun...ang alam ko lang isa syang malupit na rapper.
sabi ko "Game!"
Kinuha ko yung background music sa 2nd stage ng family computer game na "Super Contra" at ginawan ko ng chorus.
Nirecord ko yung drumtracks at guitars sa bahay and asked Sir Kiko and Gloc to meet me sa studio after a couple of days...
Dun lang nila sinulat on the spot yung parts nila after hearing my part. Si Sir Kiko sa cellfone, si Gloc sa notebook.
by the end of the night, nabuo yung "Bagsakan"




"Halaga"

Sinulat ko yung "Halaga" para sa room mate ng gf ko nung time na yun.

Nakaka-awa kasi yung room mate nya (at medyo nakaka-inis kasi ang tigas ng ulo) kasi sobrang sama ng bf nya at lagi nalang syang umiiyak...pero di naman nya maiwan.

And i wanted her to realize that she was worth more than that.

...that is why i wrote her that song.
-@chitomirandajr





"Tatlong Araw"


(ilalaglag ko nalang muna sarili ko)
9yrs yung 1st serious relationship ko.
Pero bago mangyari yun, may naging gf ako, pero not counted.
(malalaman nyo kung bakit...)
itago nalang natin sya sa pangalang "Grace"
Kapitbahay namin sila Grace, at matagal ko na syang kaibigan...
Kuya Chito ang tawag sakin ni Grace...
(kahit pareho naman kaming 3rd yr hs at kahit alam naman nyang patay na patay ako sa kanya)
At kahit alam nya may gusto ako sa kanya, magkasundo talaga kami bilang magkaibigan at halos araw araw kaming magkasama...pero never kami naging sweet.
ngunit isang araw, nagbago bigla.
April 1, 1993
Sumama ako sa kanila ng sister nya mag-bisita iglesia...boyfriend ng ate nya yung nag-drive tapos dun kami ni Grace sa likod.
We suddenly found ourselves holding hands.
This never happened before.
And by the time na matapos namin bisitahin yung ika-pitong simbahan, sobrang sweet na namin ni Grace.
Sobrang saya ko nun!!!
Kada simbahan na bisitahin namin, nag-uumapaw na pasasalamat yung nilalaman ng bawat dasal ko...Tenkyu Lord!!!
Kulang nalang mag-cartwheel ako pabalik ng kotse sa sobrang kilig.
Pag-uwi namin, tinanong ko sya "tayo na ba?"
(i was only 17...totoy pa ko nun...hayaan nyo na!)
Sumagot sya, "subukan natin..."
The following day, tumawag ako sa kanila.
Umalis daw si Grace kasama ng pamilya nya...
(land line lang kasi meron nung time na yun kaya ang hirap!)
Tumawag ulit ako after dinner...wala pa rin sila.
Nahiya na ko tumawag after that kasi late na...
(napaka-hirap ng land line!)
April 3, 1993, tumawag ako at naka-usap ko si Grace.
She was bubbly as usual.
...and it felt weird.
Weird because everything was normal...as if nothing happened.
Nakipag-kwentuhan sya the way she always did.
And she was as natural as how she had always been.
and it felt so strange and awkward because it felt as if i was waiting for something.
i had to ask...and so i did.
I asked, "tayo na ba talaga?"
Sumagot sya, "...ha?"
"Diba sabi mo susubukan natin?" sabi ko...
Sumagot sya, "diba April fools' day nun?...siniryoso mo ba?"
Sabi ko "oo."
Sabi nya, "Ano ka ba?!"
I felt my chest cave in...kaya sya "not counted".
April 1, April fools' day...hence the line "araw ng kalokohan"
Hope you enjoyed my short story that inspired the song "Tatlong Araw"...
Me and Grace are still good friends hanggang ngayon. :)
(pero di ko na sya crush. haha!!!)



 "Parang Ayoko Na Yata"

Sinulat ko yung "Parang Ayoko Na Yata" para sa sarili ko.
The lyrics were directed towards me, mula sa point of view ng gf ko nung time na yun.
Sya yung pinaghintay ko mula 1pm to 6pm, ako yung biglang nag ice skating, ako yung may ibang lakad nung kakain na kami, at sya yung malas kasi mahal nya ko at di nya kayang magalit sa akin.
I was still young and immature when i did those things...nung tumanda na ko at nag-mature ng konti, i realized my mistakes and decided to write this song...acknowledging the fact that the things i did were wrong.
never ko minura yung girl...minura ko yung sarili ko.

-@chitomirandajr




"Silvertoes"


Nung nasa UP pa kami ni Dindin, may tinatambayan kami na pinagtatambayan din ng isang pandak na babaeng maitim at pangit na nakaka-asar yung ugali.
(ok lang naman na di sya maganda eh, pero pangit kasi ugali nya...i should know kasi i've known her since high school)
English ng english ng slang tapos SOBRANG LOUD (papansin)!
Tapos dikit ng dikit sa magagandang girls para "in" sya.
Laging naka silver nail polish yung toe nails nya (kahit parang hinlalaki naman lahat at magkakagalit yung mga daliri nya sa maitim nyang paa!)
Kaya sya tinawag ni Dindin na "Silvertoes"
Dun ako na-inspire isulat yung kanta...sa sobrang pagkaka-irita ni Dindin sa kanya.

-@chitomirandajr


"Muli"




Dati may naging gf si Dar na crush naming lahat (bukod pa dun sa naka-pink sa Yesyeshow MV)
Secret kung sino (basta ex-PBB celebrity housemate! hehe!)

Nung nag-break sila, sa sobrang lungkot, nakagawa sya ng isang kanta na kahit hindi namin ginawang single, naging isa sa pinaka-sikat na kanta ng Parokya.
---@chitomirandajr




"Ok Lang Ako"

Isang araw, palabas ako ng Shangri-la mall nung makita ko sa Sir Ogie Alcasid at Ma'am Regine Velasquez na bumibili ng frozen yogurt.

Lumapit ako at nag-hello.

After ng konting kamustahan, nakwento nila na nagrerecord ng bagong album si Ma'am Regine at tinanong nila ako kung pwede ko ba daw sya gawan ng kanta.

Sabi ko "Ayoko."

Joke lang…syempre sabi ko oo.
Nag-isip ako ng kanta na pwedeng kantahin ni Ma'am Regine.

Syempre hindi naman pwedeng kung anu-ano lang...una kasi sya si Regine Velasquez, pangalawa, babae sya...(di naman pwedeng tipong "Don't Touch My Birdie" ang ibigay ko, diba?)

So i came up with a song na sa tingin ko ay pwedeng manggaling sa point of view ng isang babae at tingin kong babagay for Ma'am Regine.
The song was "Ok Lang Ako"

It was a simple ballad na chill lang buong time, tapos may drama at birit sa dulo ng kanta pagdating ng climax...very Regine.

So gumawa ako ng demo at ine-mail ko kay Sir Ogie.

He told me that Ma'am Regine loved it.

Problem is, so did I.
Sobrang nagustuhan ko yung ginawa kong kanta...kahit point of view sya ng babae nung sinulat ko, narealize ko na pwede rin syang point of view ng lalake.

Nahiya naman akong bawiin.

(dati kasi, nagpagawa na ng kanta si Ogie kay Gab, pero nung natapos yung kanta, di namin binigay kasi nagustuhan din namin masyado...pero that's a different story...)
Since sobrang nagustuhan ko rin yung nagawa kong kanta, i asked them kung ok lang ba sa kanila na isama namin yung version namin sa bago naming album.

Pumayag naman sila. :)

(...buti nalang pareho kaming Universal!)

So we did...sinama namin sa album yung mismong demo recording na binigay ko kay Ma'am Regine.

At tingin ko, isa 'to sa mga pinaka magandang kanta sa album.

-@chitomirandajr
 http://www.youtube.com/watch?v=hi0rh2psi6Q - Regine's Version




"iisa lang"


I was raised as a catholic but i find truth in all religions.

As long as a religion says that one must love and respect everyone else regardless of race, creed, or color...i embrace it.

I wrote a song once about faith.

It talks about God driving me around as i enjoy the ride, having total faith na kahit anong gawin ko, as long as He's driving, everything is under total control

-@chitomirandajr



http://www.youtube.com/watch?v=8qdHpPH-zy4   
http://www.justsomelyrics.com/1576577/Parokya-Ni-Edgar-Iisa-Lang-Lyrics



"Telepono"




17yrs ago, bago ko pa masulat yung "Buloy", i got a 4am call from a girl i was dating.

Delayed daw sya.

I started to write a song about it. After a couple of days, we found out na false alarm.

Di ko na tinapos yung kanta.

10yrs later, i decided to finish the 2nd half of the song.

---@chitomirandajr



"Sampip"



Dati, may nagawa at napagtripan akong chord pattern sa gitara na paulit-ulit kong tinutugtog.
Enjoy na enjoy akong tugtugin pero di ko malagyan ng words at lyrics kaya binigay ko kay Gab kasi baka sakaling malagyan nya ng words, lyrics at tono.
After a few days, binalik nya sa akin yung kanta...kumpleto with lyrics na may magandang tono.
kulang nalang title...
Nagandahan ako sa kanta pero may gusto akong palitan at idagdag sa kanta kaya gumawa ako ng sarili kong version.
We could not decide which version to use sa album kasi parehong nagustuhan ng mga kabanda namin.
We decided to include both.
Kaya nagkaroon ng dalawang versions ang "Sampip"


actually, we came out with 5 versions:

3 sa Buruguduy:
"Sampip"-full band, ako kumanta.
"Sampip ni Gab"-acoustic guitar lang, si Gab kumanta
"Sampip All"-acoustic guitar lang, lahat kami kumanta (cassette)

1 sa Jingle Balls:
"Christmas Bonus"-version ko ng "Sampip", acoustic full band set up.

1 sa "Akustik Natin 2":
"Sampip ni Gab" pero ako kumanta.


---@chitomirandajr




"Pangarap Lang Kita"




2yrs ago, my friend Dom (our sound engineer) was recording an album for some chinese girl named Happee.
Dom kept on mentioning how cute she was.
He also mentioned that she had no intentions of releasing what she was recording...she just wanted to make an album for fun.
At dahil malandi ako, may bigla akong naisip..
Naka-isip ako ng paraan para makiliala ko si Happee na di ako magmumukang desperadong makilala ko sya.
Sabi ko, "Dom, tanungin mo si happee kung gusto nyang gumawa ako ng kanta para sa album nya"
"Naku! Matutuwa yun!" sagot ni Dom.
Sa loob loob ko..."yari 'to!" :)
Nag-isip ngayon ako ng kanta na magandang gawin para kay Happee...
DAPAT DUET!
(para makasama ko sya sa recording)
DAPAT TUNGKOL SA ISANG PINOY AT SA ISANG CHINESE GIRL!
(para padaplis...hehe! style ko talaga bulok!)
Sinimulan ko gawin yung kanta...inisip ko "sana gumana 'to!"
Kinabukasan, natapos ko na agad yung kanta.
"Pangarap Lang Kita" yung title.
Nirecord ko agad yung demo sa bahay ko at pinadala ko agad kay Dom via email.
Nagreply agad si Dom,"Ang ganda ng kanta!"
Sa loob loob ko, "sana magustuhan ni Happee...please Lord!!!"
After a few days na walang balita, nagtext bigla si Dom.
"Chit! Sobrang nagustuhan ni Happee yung kanta! Nilagyan nya pa ng chinese chorus!"
Ang laki ng ngiti ko! Binasa ko yung karugtong ng text..
"Tapos na namin irecord. Padala ko sayo yung kopya"
"TEKA...TAPOS NA?!" sa loob loob ko "ano nangyari? Bakit di ako sinama sa recording?!"
Nagtext agad ako kay Dom...
"Tapos na yung kanta?! Nirecord nyo na?! Teka...kelan ko irerecord vocal parts ko?"
Nagreply si Dom, "Ginamit ko nalang yung boses mo dun sa demo na pinadala mo...ok na kasi yung pagkaka-kanta mo dun kaya di mo na kelangan irecord ulit! :) "
Sabi ko sa sarili ko..."patay."
Pinadala ngayon ni Dom via email yung kanta at pinakinggan ko agad.
I was blown away.
I fell in love with the song and with the way Happee sang her parts.
I knew we had a great song.
Sobrang saya ko sa kinalabasan ng kanta...Sobra!
Pero badtrip kasi di ko man lang nameet si Happee...
Anyway, dahil nga sa nagandahan talaga ako sa kinalabasan ng duet namin, nagdecide ako na isama yung kanta sa ginagawa naming bagong album nung time na yun...
Pumayag naman daw si Happee, sabi ni Dom...
After a couple of weeks, habang nagrerecording kami ni Dom sa studio para sa album,
biglang dumating si Happee...
Pumasok si Happee sa studio at pinakilala sya sa akin ni Dom.
"Ang ganda ng kanta natin! Sobrang excited na ko!" sabi agad ni Happee.
Sumagot ako, "Ako din...sobra!...arigato!"
Natawa sya ng konti kasi chinese sya pero japanese yung tenkyu ko
(nagpapa-cute lang ako pero di yata masyado gumana...)
Naupo sya at nagkwentuhan kami...
Sa wakas, nakausap ko na si Happee...
Ang dami naming napag-kwentuhan.
Nalaman ko na matagal na pala syang may bf...
(eto namang si Dom, di man lang sinabi nung simula pa lang...)
At ngayon ay kasal na sya.
Pero kahit sablay yung ending ng kwento ko, nagbunga naman ito ng magandang kanta...


Alam nyo ba na si Ate Kaye ang nag-isip ng tono ng backing vocals at ng 2nd voice para sa parts na kinanta ni Happee sa kantang "Pangarap Lang Kita"?
Nagpatulong ako sa kanya while recording the demo.
Sya rin ang nag suggest na si Jm De Guzman ang kunin namin na lead character para sa video.
Astig no?!

---@chitomirandajr


HAPPEE SY
My part in the song: "Pangarap Lang Kita" with Alfonso Miranda Jr and Parokya ni Edgar

雖然我很愛你
suiran wo hen ai ni
Although I love you very much

我沒辦法告訴你
wo mei ban fa, gao su ni
I dont have ways to tell you

我心中易有親愛
wo xin jong yi you qin ai
There's only you in my heart

但只希望的愛
dan zhi xi wang de ai
But I'll just keep hoping for that love




"Magic Spaceship"


Marami siguro sa inyong nakaka-alam na sobrang fan ako ng Eheads.

Pero alam nyo ba na malaking fan din ako ng Rivermaya?

Dati, may sobrang natripan ako na kanta ng Maya...sabi ko sa sarili ko, "gagawa din ako ng kantang ganyan..."

The titile of their song was "Elesi"

Sobrang naaliw at na-inspire ako sa concept na pwede maging form of "escape" ang music...na kung badtrip ka, pwedeng baguhin at pagandahin ng music ang mood mo.

So i took their concept and came out with my own version based on their song.


isa ito sa mga paborito ko kong kanta ng Parokya.

Salamat Rivermaya!

-@chitomirandajr


 "Pedro the Basuraman"


Eto wala lang to...gusto ko lang i-share. :)

Alam nyo ba yung "Pedro the Basuraman" after ng kantang "Bagsakan"?

Pangalawang kanta/filler na namin yun tungkol sa kanya. Hehe!

Yung una nasa Xmas album.

(sa mga may Xmas album, hanapin nyo...may filler dun tungkol sa kanya)

Hindi pa 'to yung kwento for putting us on the No.1 spot...

gusto ko lang talaga to ikwento to. hehe!

-@chitomirandajr






Manny Many Prices

Pagbukas ng T.V, Manny Many Prices ang palabas. Eto ang new show ng ating "Pambansang Kamao" na c Manny Pacquiao sa gma &. Sempre katulad ng mga pagkaraniwan show namimigay ng pera specially sa mga mahihirap but we all know na mas doble pa ung kinikita nila mula sa mga sponsor kesa sa mga pinpamigay nila.

Halatang d pa maxado organize ang show dahil sa pakulong pasahan ng gloves eh nagkakagulo dahil lahat eh guzto manalo kaya ayaw halos ibigay or ipasa ang gloves eh kasi naman sino ba naman ang ayaw manalo ng malaking halaga sa sandaling oras diba?

Pinasayaw ang audience at Manny will choose 5 contestant na maganda ang sayaw ung todo bigay ba...
I noticed na karamihan ng audience eh matatanda ...kaya mejo natuwa ako dahil atleast may chance sila manalo ng malaking halaga...
Sa napili na 5, 2 ang unang maglalaban at kailangan nila sagutin ang tanung tungkol lahat kay Manny Pacquiao . Dahil mejo overtime na ata sila halatang halata na nagmamadali na sila kaya napakagulo ng ng show.

Rules: Right hands sa nose and then press the buzzer after ng question.

After ng question aun pindutan sila using their other hands hindi ung nakahawak sa nose... ahahha anung sense ng pagkahawak sa ilong kung di pala un ang pang pepress eheheh...

Si Manny na tarantang taranta, eh pabalik balik kay Gladys Guevarra n xang ngtatanung at kay Paulo Contis na xang nsa isang contestant. Nang 2 contestant nalang ang natitira they found out na sira pala ung isang buzzer at di natunog.

Anyway ok lang naman sakin dahil ang nanalo at si lolo (Jon Roldan) na taga Payatas, Now si lolo may chance manalo ng bahay at lupa yeheey!

Now si lolo need to choose from 5 houses, kailangan ang nakasulay ay bahay at lupa.. Instant nakasunod na agad si lolo ng number 2 (ehem favorite number ko). As in sobrang sure na number to ang gusto nya. Kahit nga sinabihan sya na i consult sa wife nya sabi nya ah hindi na.

Nang tinanung ni Manny si lolo na kung may anak xa. Ang sagot meron pero di nadaw xa inalala. Natutuwa lang ako sa sinabi Manny na:

"Dapat ang mga magulang minamahal hindi pinapabayaan, kasi pagdating ng araw sila rin magiging katulad mo (referring to lolo) pabayaan din sila ng mga anak nila, kaya dapat mahalin ang mga magulang"

Two thumbs kay manny (now lang ako natuwa sa kanya)...



Published with Blogger-droid v1.6.5

Adik na Fan

Kaninang umaga pagkagising ko. Sa sobrang weird ng feeling ko at napanaginipan ko na naman si Chito Miranda ng PnE. Kahit antok na antok pako ang una ko talaga ginawa. ay sinulat ko tlga agad sa drafts ko ung story sa panaginip ko (knowing na late na ko sa office ha). Pero nakakalungkot man isipin di ko natapos ung kwento at kailangan ko na kumilos para pumasok sa office. Sad to day di pako nakakarating sa part na kasali na si Chito Miranda (haist). eto nga yon nasulat ko. Dahil di naman ako pwede mag copy, paste rewrite ko nalang eto ngayon.



"Tulad ng pangkaraniwan gbi puyat na naman ako kagabi. At xempre iniicip ko ung bf ko na di nagttxt. At hanggang nka2log nga ako.

Sa mundo ng panaginip

Setting: bhay ng nanay ni papa sa rizal.

Monch: tito jr halika d2 blis.

Tito jr.: bkit?

M6nch: basta halika bilis na(papasok ng kwarto.) Mommy tgnan u ung ahas ang dmi oh.
Lima(sabay tapak ni mommy sa isa.)


Nkatapak n ako hanggang maubos. "


...ay yan na nga un nasulat ko kaninang umaga habang nakahiga ako at antok na antok.

Paxenxa na sa mga typo kasi sobrang antok tlga ako kanina ehehe.


Ngayon nasan na ung part ni Chito Miranda? Eto na (atat).

"diko alam kung san galing or pano na bigla nalang kami magkausap ni Chito Miranda sa

hagdanan ng bahay padin ni nanay Nita(nanay ni papa).


Monch (gulat at bakit nandito samin, pero tuwang tuwa at kinausap nalang at nagpakilala)
Monch: (Patay diko na maalala ang canasbi ko na una kay chito). Ang tanda ko nalang eh cnbi ko na di nya ako pinapansin. At kung kailan ko sila unang nakita, at sana makausap ko sila ng makausap ng matagal (asa).

Chito Miranda: Nababasa ko naman lahat ng message sakin, di ko lang tlga kaya sagutin sila lahat.


..tapos nagkwentuhan nalang kami ng nagkwentuhan  and then all of a sudden bigla nalang tinanung ni Chito Miranda kung pwedeng maging kami as in gf at bf (haha wah, naisip ko panaginip to, pero tuloy padin ang kwentuhan kaya kala ko tlaga totoo na ).


..diko maalala kung anu cnagot ko pero bigla nalang ang setting eh naiba tinawag ko daw si jeco

dahil napakadaming isda na magaganda at iba iba ang kulay kaya natataranta ako na ilipat iyon

at pinakuha ko kay jeco lahat . Nang ilalagay na namin sa aquarium tsaka namin naalala na nabasag na pala

ung aquarium namin."

At dun nga ako nagising malamang sa sobrang disappointed dahil sira na ung aquarium. Ng gising nako parang bigla ako nalungkot dahil tulad ng dati na panaginip lang pala un. Di ko padin nakakakwentuhan si Chito Miranda (huhuhu)


Pero sa totoo lang diko naman pangarap na maging bf c Chito miranda(kasi alam ko imposible aahhah). Ang pangarap ko naman ay simple lang makakwentuhan lang xa ( kaso may problema baka mamatay ako sa tuwa, ahahaha, nag message palang nga xa para nako nasa Cloud 9 eh) or ung isang kanta nya para sakin wag lang parang silvertoes hahaha(ang simple diba? parang imposible.) Minsan naiisip ko siguro soulmate ko tlga c Chito Miranda(kaso di nya ko soulmate, haha). Anyways magkatotoo man ang aking simple pangarap or hindi fan padin ako ng PnE.


Bigla ko pala naalala 3 times ko palang nakita ang PnE, tagal nya nako fan pero 3 times ko palang sila nakikita ;-(


First  nang magpunta kami sa Robinson Ermita ko at sa sobrang blessed ko at nandun ang PnE para sa autograph signing nila ng "Inuman Sessions". (kahit wala tlga ako maxado pera. ay nagkandabili ako ng album ng wala sa oras para lang makalapit.) Ok lang kahit nakipag siksikan ako at pumili ng mahaba ang kapalit naman nito ay face to face sa PnE.

Second sa "Ako Ang Simula Concert at UST - Feb 19 2010" (napakalayo nga lang namin ang napakakapal ng alikabok.


Third  sa "San Miguel Pale Pilsen Foam Parties - March 5, 2010" (iniyakan ko pa mapapayag ko lang bf ko na pumunta, tapos dahil nga ayaw tlga ng bf ko pumunta, eh uuwi na dapat kami ng maaga dahil late pa mag peperform ang parokya, pero sabi ko last band lang tapos uwi na kami. At I'm so blessed again dahil sa diko malaman na dahilan. PnE na ang next band (yehey).







At ayan nga ang kwento ng isang adik na fan.Hope to see PnE again at mas closer. eheheh
 
Note:
Paxenxa na kung pangit resolution ng mga pix, CP lang na 2MP ang ginamit.

Nuvali

Before pa ng scheduled operation ni Marie, napag planuhan na namin na pumunta sa kanila at tapos since nandun na kami eh lubos lubosin na namin at punta na din kami sa Nuvali. Diko nga alam kung ang original plan ba eh pupunta sa Nuvali at dadaan kanila Marie or pupunta kanila Marie at dadaan sa Nuvali.

Anyway kahit anu pa sa dalawa. Nagawa na namin un yesterday (June 26, 2011). Since masipag sa Lorie mag gawa ng event nag umpisa sa pag gawa nya sa event sa FB. At xempre bonggang bongga na attending ako.

Aun na nga pumunta na kami kanila Marie kahapon at sa Nuvali(nuvali but you). 5 Lang kami natuloy kasi c JD nagpapaka HH head ehehe( kaya di dapat natin questionin un). Nasabay kasi ang aming trip to Jerusalem Nuvali sa CFC 30th Anniversary, eh di na namin ma move kasi all set na, at naisip namin baka next week eh nasa ciudad na c Marie. Un naman pala eh after pa ng MMC ang pasok ni Marie. Too late kahapon lang din namin nalaman nun nasa kanila na kami.

Since late na kami nakadating kanila Marie nag Eat and Run na kami. Dahil baka ma close ung biking sa Nuvali at di pa namin mapatigil sa kakaiyak c Bebe.

Anyway naalala ko nga pala na nakalimutan ko dalin ung Camera ko. Kaya asa nalng ako kay Mark J at sa Cp ni Kuya Eboy.


Photo By: Ate Josie
Photo By: Photographer Aldin





Photo By: Aldin Ulit
Photo By: Marie


Nuvali is a project of Ayala Land located in the cities of Sta. Rosa, Calamba and the Municipality of Cabuyao in Laguna, part of the growth corridor of the CALABARZON Region.


Nuvali can be accessed through several exits along the South Luzon Expressway (SLEX).
  • Greenfield City/Unilab/Mamplasan (secured access)
  • Sta. Rosa
  • Eton City-Greenfield
  • Silangan
  • Calamba
Directions from Manila:
  • Take Sta. Rosa exit from SLEX, then 7km to the right, or
  • Take the bus to Balibago, then take a tricycle ride from Sta. Rosa exit (tricycle terminal) to NUVALI or
  • Take fx or Van at Starmall Mandaluyong to Balibago
Travel time from key destinations:
  • 50 mins from Makati (approx. 40 km)
  • 30 mins from Alabang (approx. 25 km)
  • 15 mins from Sta. Rosa Exit (approx. 10 km)



















You can really enjoy this place. Being bored in not an option because of they have many activities.

Fish feeding - One can feed the koil right at the lake where food is  P 15.00 per pack. You can see all fish rush up just to catch the food.

Photo By: Marie Rivera


Biking - Riding a bike (Php 60 per hour) is also an option (lalo na kay Bebe na eto lang ata ang pinunta dito). They have biking and running trail where in you can also enjoy the view of Mt. Makiling, Laguna De bay and Tagaytay Ridge.





Photo By: Aldin Bati


Taxi Boating - You can also enjoy they're taxi boat Php 30.00 per head. (Kami di namin na enjoy kasi di namin na try ehehe).

Photo By: Marie Rivera


After enjoying all the activities and now cravings for food. They also have many commercial establishment that can surely satisfy your cravings:

Now Open:

• Conti's (049) 302-6050/55
• Yellow Cab Pizza Co. (049) 502-6879
• Starbucks Coffee (049) 302-6263
• Italianni's Restaurant (049) 502-6546/48
• David’s Tea House  (049) 5027575; 5025757
• Crisostomo (049) 502-8106
• Domo Tomo 09178080089
• Pig Out (049) 502-6550
• Brother’s Burger (049) 5440450
• Head Zone (049) 502-9004
• Nature Trails Cafe
• John Bamboo
• Uncle Cheffy
• Claw Daddy

Photo By: Lorie Banila

...and soon you can also enjoy shopping at Nuvali.

Nuvali is really good place to spend with your family and friends. Enjoy na enjoy tlga kami. Lalong lalo na sa mga batang katulad ni bebe.

....Xa nga pala since the day before aldin's birthday nun at dahil mayaman c aldin at mayor xa . eto nga pala ang handa nya.

Photo By: Lorie Banila

...maraming maraming salamat din sa nanay ni Marie dahil sa napakasarap na sinigang na manok, afritada(not sure) na manok at SOPAS at sa mainit na pagtanggap samin sa kanilang tahanan.



Blast from my Past!

I got inspired to clean my things because of the large box i got from the image of OLA (Our Lady of the Abandoned).

I can't help my self but to reminisce how do i get all this things and from whom or what event. I still remember that when I was in high school I used to keep almost all things like candy wrapper, 25 cents coin, dead hair, yosi where i wrote the specific date and what event etc.. etc.

I found many things from basura to treasures, since I'm too old na and I'm not that senti anymore (yup I'm changed) i now need to segregate the treasure from basura.
 


From L to R:  Basura that i kept for so long, commemorative coins from BSP disketts exam permits registration form etc. , same as second, tags tags tags

This things may not be important but atleast I have them to remind me of my college life.


Id's and some school forms

Those school forms made me a bachelor degree holder but don't worry battle in real life doesn't required you to be a degree holder sometimes it gives extra point but not a requirement. For as long as you know your dream and your planning to accomplish it without hurting others and have a faith in god, hope that everything will be according to god's plan and live full of love.


Obviously Hany wrapper
I got this from kuya Jong. I like it very much so manually paste it to my old version of  blogs (diary ata un)

Mentos wrapper and a silica gel


...back in high school i remember i used to be fan of Antoinette Taus. Actually till now naman fan padin pala ako pero since in active xa sa philippine showbiz. Natalo na xa ni Anne Curtis.

Trivia: Some cut outs are from Avon Brochure, tabloid ang tupperware brochure. (Ahahah adik lang)




...Since elementary until now for me Michael Jordan is the greatest player ever. Maybe some players are better than him. But for me nothings beats what Jordan did in NBA history. I remember some audience watching nba have a placard saying "No Magic can Stop Jordan"


Michael "His Airness" Jeffrey Jordan




...i also used to collect stationary and postal card. Small amount lang yan, kaya di ko alam kung anung tawag jan ng mga totoong collector. Basta i call them collections.

Post cards and stationay



card, puppy love letters (nawawala un sa kaha ng cigarette nakasulat, ahaha)

...i know i should throw them away, pero ayoko nga, saya kaya pag nababasa ko sila. Naisip ko lang bigla ganito cguro ang cycle ng man and a woman friendship. From a stranger to acquittance to friends to best of friends to lovers (for some) and back to stranger again. Not applicable to all ha.

Cover of my Old Song Notebook


My binder way back in highschool


From L to R: Rica Peralejo and Ricky Davao signature (take note calendar na ginupit ko kasi wala ako makita papel, ahaha), Negative, Tags, Marlboro cigarette at marlon's bday, old love letters, cigarette. taggs again. airmail envelope, and my hair.


...presenting the most important treasure i found in my things.



...i almost cry when i saw this. From my loving ate baby. I remember she never fails to give gifts to almost everyone in our family. She never fails to have pasalubong everytime na pupunta sa kahit kaninong bahay. I think she's the very much loved among my sisters (xempre di ako) not because of the gifts ang pasalubong. Because she is truly the best apo, anak, kapatid, pinsan, pamankin, nanay, kaibigan. I can't forget how she sings Fame, I will Survive, Smooth etc. with matching dance pa lagi un. At magaling tlga xa kumanta. Too bad diko na maririning un kahit kelan. I can never hugs her, see her smile, hear her amazing voice, eat nata de coco cooked by her and so many things that she perfectly do. I miss you badly ate, I hope i can see you again kahit sa dream lang ok nako.



...I want to end this blast from my past with the quotes of Sophia Loren
"I've never tried out the memories of the past, even though some are painful. Everything you live through helps to make you the person you are now"









Ang aking peysbuk



Mga Napadaan!